Sunday, October 14, 2018

STAY

"Tiningnan ko yung mga mata niya, hindi ko siya mabasa, hindi ko siya maintindihan."

Boarding Pass
Pauwi ako ng Pilipinas nun, hindi ko naman talaga planong umuwi sadyang isang buwan kasi ang bakasyon ko at sayang naman kung magi-stay lang ako sa Dubai. Oo, isa akong OFW na naninilbihan sa ibang bansa, hindi ko na sasabihin  kung anong ginagawa ko dun dahil hindi naman ito konektado sa sasabihin ko.
Sa aking katamaran at malabong pagdedesisyon late na ako nakapag book ng ticket ko pauwi ng Pinas. Kahit ano nalang pinili kong Airline makauwi lang, September 10 nun, mainit ang panahon pero palamig nadin sa kadahilanan na pa-winter na. Totoo niyan takot din akong umuwi magisa, lahat ng kaibigan ko tapos na ang bakasyon at wala akong kasama pauwi.
Takot man umuwi padin ako, ano ba naman yung ilang beses na kong nagpabalik balik at ngaun lang ako walang kasama pauwi. Kabado akong nakarating ng airport nun, parang 1st time kong maga-abroad. Sa pinto palang nakailang dasal na ko, matapang naman talaga ko, nagkataon lang na hindi ko kayang magisa, oo, takot ako magisa, dahil sa buong buhay ko umaasa ako sa companion ng mga kaibigan ko.
Ayun nga, hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam saan ako unang pupunta, hindi ko alam kung sino una kong lalapitan, parang sobrang labo ng mata ko at hindi ako makapagbasa ng mga signages. Nakakatawa kasi kahit mismong eroplanong sasakyan ko hindi ko alam. Pucha!!! Ayan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.
Maaga talaga kong dumating sa airport para malaman ko lahat ng dapat kong gawin, kaya maaga din akong natapos, kasi nga maaga akong dumating dun. Imagine 5:30 pm yung flight 2:00 pm nandun na ko. Nang natapos na ko sinubukan kong kumalma, kaya nag coffee ako.
While on que alam ko na talaga oorderin ko... Then I stood after a guy. hindi ko alam kung anong gusto niya, di ba? Pati ako curious kung ano ba talagang gusto niya, kasi naman kung pipila ka dapat alam mo na kung ano ang gusto mo, kung hindi man, dapat bilisan mo magisip habang nakapila. Hindi naman sa minamadali ko siya ang akin lang ay nakapila kasi ako, pero hindi din naman ako nagmamadali, ewan ko ba, may something sa kanya na mediyo nakaka-curious din. The way he stood and look at the board menu, naguguluhan siya. Then I spoke out, out of the blue. Pakialamera talaga ako alam ko yun. Would you like to try... siyempre english, lagi akong nagkakamali sa mga Nepali, Myanmar, Thai, Vietnamese, Malaysian at Indonesian na alam nyo yung walang pinagkaiba sa itsura nating mga pinoy. Nakatingin lang siya sa akin, yung ang haba ng sinabi ko na halos magmukha akong empleyado ng Coffee Shop na yun kasi na-upsell ko na mga paninda nila. Tiningnan ko yung mga mata niya, hindi ko siya mabasa, hindi ko siya maintindihan.

'Kuya! anong gusto mo? Baka kasi pag hinintay kita baka maiwan ako ng eroplano eh.’

‘Ahhmmmmn hindi nalang pala ako bibili.’

Ano daw? Ginagago ba ako ni kuya? Hindi nalang daw siya bibili!

‘Haaay naku! Inuubos mo oras ko Kuya! Tabi ka nga diyan!’

Hindi ko na talaga napigilan! Nakakainis naman kasi talaga, ang haba nang tinayo niya sa counter tapos wala naman pala siyang bibilhin. Umorder na ko ng coffee ko sabay tingin sa relos ko pagkatapos. Medyo maaga pa ko sa Departing time ko, kaya umupo muna ako saglit sa my dining area nila. Pagkaupo ko nakita ko si kuyang nakatutok sa phone niya sa may sulok. Hindi ko siya magets, yung mukha niya at yung cellphone niya ay halos magkadikit na, malabo ang mata? Kaya siguro ang tagal niya sa pila kanina, hayaan na nga lang!

Pagkatapos din ng 10 minutes ay tumayo na ko at dumiretso sa boarding gate, I’m still early, kaya hindi ako masyadong nagmamadali, nang malapit na ko sa counter kung saan binibigay ang boarding pass, nakatayo sa harapan ko si kuya, it means to say I am again standing next to him “on que”. Siguro naman hindi na siya aabutin nang siyam siyam sa pila na to.

‘Your gate pass Sir?’ Narinig kong sabi nung attendant.

‘Ahhhmmmn wait.’

Sabi niya habang dun palang niya sinimulang hanapin ung boarding pass niya. Samantalang kanina pa kami nakapila. Ano ba naman yan kuya nananadya ka ba? At nagkataon pang isa lang ang attendant at siyempre isa lang ang pila, siyempre ibig sabihin I need to wait again for him “on que”.

‘Saan mo ba nilagay?’

 Sumabat nanaman ako, since it’s not the first time wala na kong pakialam kung anong sasabihin niya.

‘Saan mo ba nailagay? Baka naiwan mo kung saan, dun sa Coffee Shop?!’

Pagpatuloy ko haanggang sa tiningnan niya lang ako, nakatitig siya na parang walang naghihintay na eroplano samin.

‘Hoy Kuya! Saan mo kako nilagay?’

‘Ahhhmmmn una ka na!’

Ayun lang? Ayun lang sasabihin niya? Una na ko? Patawarin na ho ako ng poong may kapal makakpanakit ako ng tao. Pinagmasdan ko kung anong gagawin niya, tumayo lang siya sa sulok at nakatingin sa phone niya. Yung pagkakatingin niya na parehas nung nakita ko siya sa may Coffee Shop. ‘Wierdo!’ yan nalang nasabi ko sabay tingin ako sa relos ko, nakukunsensiya naman ako kung hindi siya makakasakay ng eroplano kapag hindi ko siya tinulungan. Siyempre mangingialam nanaman ako. Nilapitan ko na siya.

Kuya! Wala ka bang balak hanapin yung boarding pass mo? Baka maiwan ka ng eroplano niyan.’

‘Okay lang ako Manang.’

Manang??? Anong sabi niya? Manang daw? Naku talaga inuubos talaga ng lalaking to ang pasensiya ko, di porket naka skirt ako na medyo mahaba manang na agad!

Excuse me Mister, hindi pa ho ako Manang, aba’y 27 anyos lang ho ako, at excuse me ho ulit kung wala kang balak na sumakay mauuna na ko.’

‘Sorry! Stay!’

Ano daw? Nanggigigil ako, aso ba ko?

Why shoul I?’

‘Stay!!!’

Wow! As in wow talaga. Weird na nga bossy pa.

Saan mo ba kasi nilagay yung boarding pass mo? Akin na nga yang bag mo.’

Hinalungkat ko yung dala niyang body bag, pati yung maliit na traveling bag niya na bitbit, pero wala akong nakita!

Kuya sigurado ka bang dito mo yun nailagay?’

‘Wala naman akong sinabing nilagay ko diyan.

‘Ha? Ah eh kanina pa ko mukhang tanga kakahanap dito tapos ngayon mo lang sasabihin na wala pala dito!

‘Ahhhmmmnn’

Jusco! Patawarin niyo po ako. Ano po bang ginawa ko? Bakit ba kasi ako nakialam! Bakit ba kasi napaka pakialamera mo hmmmmn, hindi ninyo pwedeng malaman pangalan ko.

Calling all the passenger of flight SV-589 the gate will be closed after 20 minutes.’

Ayan na nag-announce na.

‘Kuya naman 20 minutes nalang oh aalis na eroplano! Ano? May balak ka pa ho bang lumarga?

‘Sige Manang, sige lang okay lang ako.’

‘Hoy kuyang Weird! For your information 27 palang po ako.’

‘Ok.’

‘Diyan ka na nga. Maiwan pa ako ng eroplano eh.’

‘Stay! Please stay!’

That moment, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, may something na nagsasabi sakin na wag siyang iwan sa sitwasyon na iyon. Yung mga konting salita niya alam ko may pinagdadaanan siya. Gusto kong mag-stay pero may oras akong sinusunod. Palagi naman! Palagi nalang akong naghahabol ng oras, palagi nalang ako nakadepende sa oras, kaya naisip ko bakit hindi sa pagkakataong ito oras ko naman ang masunod.

Okay, I will stay but please talk to me.’

Gusto ko malaman kung saan siya nanggagaling, kung anong pinagdadaanan niya at kung paano ko siya matutulungan. Wow! At kalian pa ako nagging Good Samaritan? Hindi ko alam kung bakit ang laki ng epekto ng tao na ito sakin, samantalang ngayon ko lang siya nakita na kahit pangalan niya hindi ko alam, pero siyempre hindi ko yun tatanungin baka mapagkamalan pa kong stalker, ahahah nakakatawa ano bang mga iniisip ko?.

Okay. What do you want to know?’

Ha? Nakakapagbasa ba siya ng isip?

‘Hello? Kuya, The only thing why I’m staying is to help you with your boarding pass.’

‘Hindi ko matandaan.’

‘Anong hindi mo matandaan? Ang weird mo naman, o tanga ka?’  Sorry sa term kuya, pero punong puno na ko.

Tanga nga siguro ako, kaya siguro ako aalis kasi tanga ako.’

Wow!!! Kuya laki ng pinagdadaanan mo ha, umayos ka pag dating mo sa Pinas tinutukhang mga tanga dun.’

‘Anong gagawin mo sa Pinas?’

Ouch. Bakit nga ba ako uuwi ng Pinas? Nakilala ko ba siya to make me realized that I don’t have a purpose in life?

Acctually Kuya, wala!’.

Tapos tumawa siya, tumawa siya ng malakas, hindi ko napigilan sarili ko at tumawa nadin ako. Pucha naman oh, anong klaseng sagot naman kasi yun. Bakit ako ganoon sumagot? Wala na ba talaga kong sense na tao?

Tara na! Maiiwan na tayo.’

Nagulat ako kasi bumalik siya sa pila tapos dinukot mula sa kanang pocket ng suot niyang jacket ang passport niya na may nakaipit na boarding pass. Panginoon ko, patawarin niyo ho talaga ako, sa ganitong paraan niyo ho ba ako gustong parusahan, makita ng mga taong may pagkukulang o eto po ang pagsubok ko? Ang tulungan sila sa pagkukulang nila?

Nakalagpas na kame ng boarding gate, pagkapasok ng eroplano ipinakita ko sa isang attendant ang pass ko para malaman ko kung saan malapit ang upuan ko, nagrequest talaga ko ng malapit sa bintana kasi gustong gusto kong nakakakita ng ulap. Pagka turo niya sakin ay kaagad akong pumunta sa direksiyong itinuro niya. Inayos ko kaagad ang mga gamit ko at inilagay sa bag compartment, kinuha ko lang ang phone ko at yung book na dala ko since mahaba haba ang biyahe para hindi ako mainip. Pagka upo ko hindi ako mapakali, bigla kong naisip si kuya, ano na kayang nangyare dun? Parang wala sa sarili baka kung mapano, nakakatakot.
Malapit ng mag take-off wala pa ding umuupo sa tabi ko, nakakatakot magisa pero ayoko naman ding may makatabing hindi ko gusto, lalo na kung ibang lahi dahil medyo matagal din ang biyahe ko.

‘Attention all the  passengers please fasten your seatbelt we are ready to take off.’

Heto na talaga yung kinakatakutan ko, pero hindi pa din ako mapakali dahil parang may kulang, parang may naiwan ako o ano pa man. Pinatay ko ang power ng phone ko at kinuha ang librong dala ko para hindi ko mamalayan ang pag take-off ng eroplano.
At tuluyan na ngang nakalipad ang eroplanong sinasakyan ko, habang nagbabasa ako may mga pasaherong tumayo na at pumunta ng banyo. Hangang sa may umupo sa tabi ko, nagulat ako dahil hindi ko inaasahan dahil nakalipad na ang eroplano, bahagya kong tiningnan kung sinong tumabi sa akin. At ayun nga…. The weirdo guy!

And what the hell are you doing here, my friend?’ Sarcastically spoken.

Is this seat available?’

‘As far as I’m concerned no one choose this seat here and I am not the owner of this airplane to not give it to someone who wants it.’

‘So it means to say its available?’

‘Indeed, my friend.’

‘Kayong mga babae talaga ang dami niyong alam sa buhay!’

Wow! Arguementative! Papatulan ko ba to? Papatulan ko talaga to!

Close ho ba tayo?’

‘Can we?’

‘What do you want from me?’

‘Stay!’

‘Stay your face!!’

Binuksan ko ang phone ko, kinabit ang headset ko at nagpatugtog ng malakas habang nagbabasa, ayoko talagang pumatol sa mga ganitong tao. Ayoko ng drama sa buhay, ayoko ng madaming pasakalye at ayokong isipin na kaya siya tumabi sakin dahil type niya ko. Ano??? Type niya ko? Wag naman ho sana uuwi pa ko sa amin at gusto ko pang mabuhay ng matagal. Paranoid na ko, bakit ba kasi nangialam pa ko? Bakit ba kasi dito pa siya umupo. Di sana mapayapa na buhay ko, pero okay nadin to baka kung ano pang pumasok sa isip niya at gumawa ng kung ano ano, ahahah ang iniisip ko talaga psychotic siya.

Manang!’

‘Manang!’

Tinanggal niya yung headset na nakakabit sa tainga ko at patuloy akong tinatawag na

Manang!’

‘Yes?’

‘Saan ka pupunta?’

‘Bakit ko naman sasabihin sa iyo?’

‘Okay.’

‘Anong okay? Meron bang maayos na salitang lalabas diyan sa bibig mo?’

‘Meron.’

‘Ano?’

‘Ahhhmmmnn.’

‘Ayon nga, wala kang magandang sasabihin at pag nagsalita ako sasabihin mo madami akong alam.’

‘Edi wow!’

‘Umayos ka Kuyang Weird! Wag ako ang pagtripan mo.’

‘Yan ba ang tingin niyo sa lahat ng lalaki?’

‘Kinakausap mo ba ko para makipag argue pag dating sa mga ganitong bagay?’

‘bakit ang hilig mong umiwas?’

‘Bakit epal ka?’

‘Epal?’

‘Epal! Ayawan na hindi na Masaya!’ Kinanta ko talaga. Hahaha ‘Yan yung mga taong walang magawa sa buhay at ibang buhay ang pinapakialaman, mga taong kulang sa pansin.’

‘Alam ko naman kung ano ibig sabihin niyan.’

‘Alam mo naman pala nagtatanong ka.’

‘Magsosorry ba ko? Kailangan ko bang magsorry?’

Wow! Mukhang nakakuha ako ng katapat ah.

Kuyang weirdo, bahala ka sa buhay mo, hindi ako yung gf mo na ididikta sayo kung ano ang dapat mong gawin.’

‘Ex! Correction!’

Wow talaga si kuya may pinagdadaanan nga.

Okay. Pero hindi parin ako yung ex mo, kaya wag mo kong ikumapra sa kanya.’

‘Hindi talga. Kung hindi mo ko iiwan hindi mo talaga siya katulad.’

‘Adik ka ba? Nakatira? O lasing ka?’

‘Sana nga ganoon lang kadaling sabihin, sana ganoon kadaling kalimutan.’

‘Pero hindi, kasi masakit, kasi nasaktan ka? Kasi iniwan ka?!’

‘Gago ka pala eh.’

‘Mas gago ka! Kasi umasa ka, kasi hindi mo siya nagawang ipaglaban.’

‘Gago ka nga! Hindi mo naman alam nangyare eh.’

‘Puwes, sabihin mo sa akin kung anong nangyare.’

After nung sinabi ko, natulala na siya, aba’t malaki nga ang pinagdadaanan ni kuya.

Okay kung hindi mo pa kayang pagusapan okay lang, hahayaan ko nalang mag bago ang tingin mo sa akin.’

‘Niloko niya ko, matagal na palang dalawa kame sa buhay niya. Ang rason niya ayaw niya kong saktan. Putangina ang sakit!! Ang sakit sakit.’

‘Masakit nga yan.’

Shocks umiiyak siya! Anong gagawin ko, jusco first time may umiyak na lalaki sa harap ko. Pero infairness kay Kuya hindi naman siya chaka, sa totoo may itsura siya, matangos ang ilong, makinis ang mukha, medyo katangkaran din at ganda ng balat niya lalaking lalaki kayumanggi. Pero pucha naiyak ang cute niya. Oh my God! No!!! Hindi pwedeng attracted ako sa kanya, hindi pwede to, kakabreak lang niya, ano ko rebound? Panakip butas? Hindi pwede, hindi ko pinangarap na magmahal ng taong hindi talaga ako mahal. Tapos ano ending? Maghihiwalay kame kasi hindi pa naman talaga niya makalimutan yung ex niya? Hindi ko kaya. Pigilan mo ko Lord! Jusco ano bang mga pinaiiisip ko? Nasa break up point na kame.

Anong nangyayare sayo?’

‘Wala, masyado lang masakit yung nangyare sayo. Kawawa ka naman.’

‘Kawawa talaga ko pagkatapos nglahat ng sakripisyo ko gnun lang isususkli niya sakin?’

‘Opppps, you’re getting too far! You don’t even know me, wag kang basta basta nagtitiwala.’

‘Kaya nya ba ako niloko? Kasi masyado akong nagtiwala?’

Oh My God si kuya! Ang lalim na niya, He’s so sensitive, ang cute niyang tingnan pero sobrang nakakaawa.

Sabi nga nila everything happens for a reason. People come and go, some stays.’

‘Stay! Please stay!’.

STAY "Tiningnan ko yung mga mata niya, hindi ko siya mabasa, hindi ko siya maintindihan." Boarding Pass Pauwi ako ng Pi...